skip to content »

gzijha.old-china.ru

Dating pamagat ng pambansang awit ng pilipinas

kung mayroon mang panahong magpapaluma sa kulay, sa uso, sa pagkakasukat sa ating katawan at isang hapon ay matatagpuan ng ating pandama na kumukupas ang sukat, humigpit o lumuwag saka mapunit ang lahat ng pagkakatahi ng damit na ito sasadyain ko ang lahat ng patahian ng daigdig upang sulsihan ang napupunit nating pag-ibig.

komportable tayong suot ang saplot na ito kahit hindi natin batid kung sino ang may disenyo ng laylay hanggang dibdib na paha ng pag-ibig.

niyayari ng ating mananahi ang pundilyo ng pagpapaubaya tinutupi niya ang manggas upang doon isuksok ang bawat gunita na laman ng ating pagtatagpo. pinagdidikit ng pulang sinulid ang ating mga labi at may sintas itong nagbibigkis sa hubad nating katawan.

Ang Makinarya Ng Pagtula bingi tayo sa katahimikang hinihiling sa kalagitnaan ng pagdildil hanggang hindi kumakapal ang kalyo sa palad, kamay, utak at iniisip nating pagkatapos ng galit ng mga makinarya uuwi tayong may pasalubong sa anak na salitang kinatha sa tinta ng pawis, grasa at langis, saka kikinisin nitong palad ang papel na lukbutang kamukha ng nilamutak na damit: pansit na mahaba ang hain sa hapag kainang surot ang kaagaw langaw ang umaawit gayong walang tinidor na pambugaw isisigaw kong ang taraktak ng makina at pasalubong sa asawa ay isa ng tulang sinipi sa marubdob na paggawa.

Masasanay Rin Ako I matapos kong siksikin ng damdaming-gamot ang aking mga sugat, nasasanay na rin ako.

Iyan ang bolebard at kakalsadahan na patumpik-tumpik ang ligaya at kalungkutan, ang pagkapagod at kapahingahan matapos tayong ikasal. Bababa tayo, mahal, at naka-paa tayong mamamasyal sa weder-wederland. Wala na itong guwantes, madarama mo na ang kalyo ng aking mga palad, na sinadya ko nang pakapalin upang mamanhid ang puso sa mga tinik ng weder-wederland.

dating pamagat ng pambansang awit ng pilipinas-56

ewan ko, hindi naman ako dapat nagbubuhat ng mga patay na puno na aksidenteng bumagsak sa bakuran nitong tahimik kong pagbubulay-bulay, pinagpapawis ko ang dibdib sa pag-aalala sa mabubulok na panaginip kung hindi ko sila ididispatsa.

Mariposa tinubuan ka na ng pakpak, kailan lang at nahahaplos ng araw ang linen nitong himaymay sumasabog sa paligid mo ang kulay bahagharing kislap-kutitap sa bawat pagtatangkang ipagaspas sila nang dahan-dahan sa lilim ng paghihintay.sinasabayan kita sa katanghalian mapansin mong sa ilalim ng payong, hindi man ako guwaping mabango pala ang iyong magiging mister, may apil at pinaniwalaan mo ang aking pagyayabang pangbente-kuwatro kang naging katipan, simula iyan sa ating biruan: kasal-kasalan na ‘di natin akalain matutuloy sa simbahan, isang araw, ang tudyu-tudyo lamang. naiiwang kaunting bukas, kaunting sarado ang bintana at hinihintay mo ang haranang pinauso ko muli matapos itong kalimutan ng panahong todo-bilis ang paghipo sa kamay nang walang ligaw-ligaw tulad kong hindi lumuhod at nagparamdam ng pagkabaliw nalunod ka na lang sa aking tula’t paglalambing hanggang isang umaga’y nagising tayong magkatabi’t selyado ng mga halik ang hugis puso mong mga labi.bago pa tayo naitatali sa paglagay sa tahimik laking gulat natin, may tinuhog tayong mga puso may inipon tayong mga luha sa nakaraang biglang tinuldukan ng salitang kasal.ipinagyayabang mo bang ika’y magiging esposa ng lalaking habulin ng magandang kapalaran? ) dumadaan ang araw, tinitikman natin ang sahog sa lutuing inihanda sa mga ikinasal: maasim na sabaw ng luha sa sopas ng kahirapan pastilyas na panghimagas sa yumayabong na pagmamahal mapait na pagtitimpi sa makukulit na anak walang lasang tubig sa panahong walang imikan at matapang na alak sa pagsasauli ng salita at yakap.ngunit nakatatagal tayo sa sumpa ng mainit na kaning biglang isinubo. mas malandi ngayon ang kembot ng iyong balakang dahil ganado ka sa araw-araw na pagpupustura sa binuo nating tahanan.ibinubutones ng ating mga daliri, sabay tayo, ang ilang bulong sa bakanteng oras na yakap natin ang mga balikat, ang mga palad na ito muna ang ating damit-panlabas bukod pa ang nag-iisang damit-panloob: ito, sana, ay hindi masulyapan ng iba. gusto kong isiping atin lamang ang ganitong tabas na susuutin natin sa pamamasyal araw-araw dahil, komportable tayong suot ang ating saplot na laylay hanggang dibdib ang paha ng pag-ibig.